A Story in Tagalog

Sorry for the lack of translation.

This is something I have written about 2 years ago. The characters have different names but they are really Alice and Jonas … and my obsession with things that are lost. 

The infinite times and ways we say goodbye to something (or someone) and yet return to it (or them) over and over.

 It is also maybe about hope — the  hoping that, really, someone can come home again … maybe …

 

Mga Iniisip Ni Gemma Habang Nakasakay sa Eroplano (o Para sa mga Nawawala)

 

“I do not delude myself that what I am doing is something revolutionary. But it is the best thing I can think of at the moment.” Ibarra Gutierrez, 2005. http://archives.newsbreak-knowledge.ph/2005/01/03/ibarra-gutierrez-jr-his-e-mail-blew-cynics-away

***

image from httpweheartit.com

image from httpweheartit.com

Minsan naiisip ko. Sa mga panahon na may oras ako para mag-isip. Kung ano kaya kung hindi ko siya nakilala. Kung nagpatuloy lang ang buhay ko nang wala siya.

O kung nagkakilala nga kami pero hindi ko siya pinapasok sa puso ko. O kung nangyari na wala siyang interes na pumasok dito. At  sa  iba’t-ibang parte ng katawan at pagkatao ko.

Umalis ako pero alam ko na meron akong babalikan.  Na kahit nagpakalayo-layo ako ay hindi ako mawawala dahil nandiyan siya  na parang tanikalang palaging humihila, pumipilit, nag-aanyaya, kahit sa mga panahon na pagod o suya na ako sa paulit-ulit na pagbalik, pagpasok, pagsakop  niya sa buhay ko.

Hindi ko alam kung bakit ko siya mahal. O maaari na ang tanong ay: sapat na ba na mabait siya, at hinahanap-hanap ko ang yakap niya kapag wala ito, kaya ko siya mahal? Tama bang dahilan na kaya ko siya mahal ay dahil hinahangaan ko ang kanyang paninindigan (kahit hindi ako naniniwala dito)? Sapat bang dahilan na kaya ko siya mahal ay dahil mahal niya rin ako?

Umalis ako at ngayon ay bumabalik. Sa paniniwala na sa pagbalik ko, sana naman (Diyos ko) ay ibabalik din siya sa akin.

Wala, wala akong pinanghahawakan sa kanya. Walang pirasong papel, walang kasulatan, walang pananagutan. Liban sa mga alaala at sa mga salitang binitiwan namin, sa paminsan-minsan at maikling mga panahong magkasama kami.

May minsan na ang pinakamahalaga para sa akin ay kalayaan; o mas partikular, ay ang kalayaan ko. Isa itong abstraktong konsepto at maraming maaaring kahulugan. Pero importante siya sa akin, sa kahulugan niya bilang pagpapahalaga sa integridad ko bilang indibidwal. Ang mapatunayan sa sarili ko na ako ay ako, na hindi kinikubabawan ng kahit sino, mapa-lalake man o babae.

***

Sabi ni Henry, meron daw akong “daddy issues.” Sa maligoy at intelektwal niyang Ingles (American English na produkto ng Yale University), ang konklusyon niya ay hindi ako lubusang makapagtiwala sa sinumang ibigin ko dahil sa murang edad ay umalis ang aking ama, kasunod  ang kamatayan ng aking ina.

Sabi ni Henry, sa kanyang boses na buo, malinis ang diction tugma sa isang WASP: “You mistrust commitment Gemma. You are afraid to love even while wanting it with all your heart. You step back and push away people who want to love you; then you use rationalization to keep yourself away. But you are dying baby. You are dying, and you won’t even admit it to yourself.”

At ngayon naiisip ko: Henry putangina ka, ang sakit mong magsalita. Pwede sana kitang mahalin. Pero hindi ako masokista. May daddy-issue man ako, mas matindi ang superiority complex mo.

Nakilala ko si Henry habang nagsasaliksik para sa aking doctorate degree sa isang Ivy League na pamantasan sa East Coast. Research fellow siya sa departamento kung saan ay postgraduate student ako. Magandang lalaki si Henry, Caucasian ang kaputian, reddish brown ang buhok, parang Alex Petyfer ang mata. At matangkad. Pag pinagtabi kami, mukhang akong dwende kahit sa taas ko na 5’2”.

kung-saan-natapos-ng-postgrad-si-gemma

Noon ay ika-dalawang taon ko na sa Amerika. Wala akong bakasyon sa Pilipinas. Hindi dahil hindi pwede kundi dahil ayoko. Iniisip ko kung mas mabuti kaya na maghanap ng trabaho pagkatapos ng aking dissertation at nang mabigyan ng H1B. Ano naman ang dahilan kung aalis pa ako ng US? Narito ang oportunidad, ang growth, ang career at life advancement. Narito si Oprah, si Rob Schneider at si Amy Tan, pawang mga kasama sa grupong minoridad. Hindi sila puti pero sa kanilang pagsusumikap, ay nagawang mamayagpag sa “land of the free” at “home of the brave.”

Isa pa, paborito ko ang “Sex and the City” at nakikita ko ang sarili ko matapos ang aking pag-aaral na parang Carrie Bradshaw at makakahanap ng kanyang career sa New York.

Hindi ako kasing ganda ni Sarah Jessica Parker (no way, seriously!). Siguro ka-level ako ng itsura ni  Jasmine Trias (pero mas maganda siyang kumanta kaysa sa akin).  Pero nang sumapit ako sa university kung saan ako nag-aral, nalaman ko na maraming American guys ang tinatablan ng beauty ko. Sa umpisa, hindi ko alam yon, pero nang makilala ko si Henry, siya ang nagsabi sa akin.

Progresibo sa unibersidad na iyon sa New England. Vibrant ang student activities. Maganda ang kampus. Masaya, masigla ang palitan ng kuru-kuro sa mga postgraduate seminars na pinapasukan ko.

Sa unang taon ko doon ay lungkot na lungkot ako.  Hindi ko nga maintindihan. Maarte lang siguro ako. Katulad ng maraming taong walang kasiyahan, marami na ang biyaya ay hindi pa sapat.

Sa kalaunan, nagustuhan ko na rin ang rigor ng university life, ang pagiging aktibo at engaged ng mga estudyante. Ang malalaki at  kumpletong gusaling pang-aklatan. Ang kalinisan, pagmimintina ng mga pasilidad katulad ng silid-aralan, banyo at mga laboratory. Ang university grounds na pang-postcard ang dating.

At naaliw ako kay Henry, gaya ng pagkaaliw ko (sa kalaunan) sa unibersidad na pinasukan ko. Madudunong ang mga propesor ko na pawang may mga PhD. Ang marami sa kanila ay nakapaglimbag ng kanilang mga libro tungkol sa disiplinang kanilang itinuturo. Ang isa nga, si Prof. Percival Framing, ay ang sumulat ng textbook tungkol sa cognitive psychology na “bibliya” naming noong undergrad. Nakakatuwa na naging estudyante niya ako.

Nagustuhan niya ang ginawa kong paper kung saan ni-relate ko ang Stanford Prison Experiment sa mga isiping kolonyal o colonial mentality ng mga dating satellite states ng US (kasama na ang Pilipinas).

Binigyan nga ako ng gradong 4.0 (ang pinakamataas na maaring makuha ng isang masteral student) at nilagyan pa niya ng komento na “very thought provoking, your insights  on history and individual psyches are fresh and original”. Siyempre, humaba ang hair ko.

Si Prof. Framing, actually, ang nag-imbita sa akin na magtrabaho sa isang prestihiyosong NGO na naka-base sa New York. Ginawan  pa nga niya ako ng recommendation letter. At hindi ako gaga; kaya’t nag-apply ako at natanggap naman. Yehey!

Tatanungin ninyo: ano itong katangahan na ngayon ay bumabalik ako sa Pilipinas?

Ang pinaka-tangang dahilan sa mundo …

O sige na. Babanggitin ko na ang pangalan niya. Matapos ang 1000 na word count sa maligoy na istoryang ito.

Si Tristan.

Sabi nila (kung sinuman ang “sila”), first love never dies. Shet, totoo nga yata yon.

***

Una  ko siyang nakita 9 years ago, sa isang conference na pinilit-pilit akong isama ng kaibigan at noon ay roommate ko na si Kate. Kagagaling ko lang sa trabaho at pupungas-pungas na dumating sa 32-square- meter naming apartment sa Malate.

Sabi ni Kate, kailangan ko siyang samahan dahil mas techie ako kaysa sa kanya, wala siyang alam sa Macintosh na siyang gamit ng kanyang boss. Desperado ang gaga. Pinangako niya sa akin na siya ang maglilinis ng apartment namin (kasama ang banyo) sa loob ng limang buwan (gusto ko sana isang taon pero tumawad siya) kung gagawin ko iyon.

Ang totoong dahilan  kung bakit ako pinapasama ni Kate ay dahil gagawin niya akong pananggalang sa mga diskarte ng consultant niya na si Dr. Juban na noon ay puspusan ang panliligaw sa maganda kong kaibigan.

Sa  Shangri-la Makati ginanap ang conference at aantok-antok akong paumpog-umpog ang ulo sa bintana ng minamaneho niyang Toyota Corolla. “Gem, gising … nandito na tayo. Favor naman, paki check kung compatible itong powerpoint ni Sir sa LCD na gagamitin. Alam mo naman ang Mac, minsan may mga hindi katugma na LCD. At nag text si Jubes, nagpa-park na daw. Kailangan ko tulungan sa mga visual aids niya.”

laptop

Kinuha ko sa kanya ang USB at Macbook; pagkatapos ay tumungo ako sa mesa kung saan nagse-set up ang noon ay inakala kong miyembro ng technical committee ng conference, o janitor.

Isa siyang lalaking mahaba ang buhok, lagpas-kuwelyo sa suot niyang brown na polo. Naka-itim na jacket na medyo kupas na; naka-jeans din, katulad ko.  “A manong, pakitulungan naman po ako na ayusin itong presentation ng kasama ko.”

Sa totoo lang, hate ko ang nai-ignore at kinailangan ko pa na lakasan ang boses ko bago siya mag-angat ng mata. “Miss?” blangko niyang tanong.

“Itong powerpoint po kasi ng kasama ko, kailangan naming masiguro na compatible sya sa LCD.” Inabot ko sa kanya ang connecting cable ng laptop. Ang slow ng reaction time ng mga staff ng kumperensyang ito, sa loob-loob ko na medyo naiinis na. Parang tuod lang si manong na nakatingin sa akin. Nagpaliwanag ako, “Sa Mac niya kasi ginawa e minsan hindi siya nagwo-work sa ilang klase ng LCD.”

“Okay. So  ano ang gagawin ko?” May kalituhan sa mata ni manong.

Malapit na akong maimbyerna; inaantok na ako at sa totoo lang, hindi ko naman talaga type na maging parte ng kumperensyang ito.  May talim at suya na ang boses ko. “Pwede mo ba akong tulungan? Technical committee ka diba?”

“Actually …”

Naputol ang susunod nyang sasabihin dahil sa boses ni Kate. “Dr. Endriga, hi! Ang aga mo naman dumating.”

Dr. Endriga? Paano magiging Dr.  Endriga ang lalaking ito e magkasing-tanda lang yata kami. Ano siya, Doogie Howser?

“Gemma … si Dr. Endriga. PhD sya, hindi MD. Isa sya sa mga local experts natin on environmental health. May tatlong lectures nga sya mamaya e. I’m Kate Lecciones, doc, intern ako ni Dr. Juban. Doc gusto mo ba tulungan ka na namin mag-set up ng presentation mo?”  helpful na tanong ni Kim.

Tutulungan? Namin? Sya? Parang gusto kong ilibing ang sarili ko sa marmol na sahig ng hotel.

“Ah Kate,” sabi ko. “Alis muna ako.” Tumuloy ako sa CR at hinamig ang sarili. Napagkamalan ko bang manong ang kaibigan ng boss ni Kate?

Sabi sa programme, graduate si Dr. Tristan M. Endriga sa kaparehong unibersidad na pinagtapusan ko. Pitong batch ang tanda nya sa akin. BS Geology major in Mining, may masteral degree at esoteric sa pandinig ko ang thesis nya. Nag doctorate sa University of Michigan. Isa ngayong associate professor sa alma mater namin at affiliated sa isang environmental NGO.

Sa luncheon, magkatabi kami sa bilugang mesa at tinanong nya ako kung nagme-medicine din ako na kagaya ni Kate. Psychology major ako, sagot ko, college instructor sa araw, call center agent sa gabi.

Ngumiti siya sa akin. Ang sipag ko naman daw.

***

Hindi ko inaasahan na makikita pa  ulit si Dr. Endriga kung hindi dahil sa pesteng si Kate.

“Hoy Gemma,” mga isang buwan matapos ang conference ay sinabi nya sa akin, “gusto mo bang mamatay na old maid?”

Isang umaga iyon na alas-sais ulit ang uwi ko. Tutuloy sana ako sa kuwarto para matulog na nang kulitin ako ni Kate.

“Anong klaseng tanong yan?” tanong ko.

“May ise-set up ako sa yo.”

“Set up, as in date?”

“Oo.”

“Bakit?”

“Dahil natutuyot ka na ‘day. Trabaho, eskwela, bahay na lang ang buhay mo. At ilang taon ka lang? 23?”

Yada yada yada, hyper  na naman si Kate, naisip ko. “Ano na naman ang tinira mo?”

Hindi nya pinansin ang tanong. “So okay lang sa ‘yo makipag date ha? Ise-send ko na sa kanya number mo. Siguro tatawagan ka nya mamaya. Or ite-text. Be nice ha. Hwag mataray. Mabait at matalino itong lalaking ito, magkakasundo kayo.”

“Whatever,” ang muffled na sabi ko bago nawalan ng ulirat.

***

“Hi .… uhmm …” Ano na nga ba ang pangalan nya?

“Tristan.”

“A yes, Dr.  Endriga.”

Ang pangalawang pagkikita namin ni Tristan ay halos katulad ng nauna – walang spark. Sa loob-loob ko, isang pagpapaalala: Be nice, at least may manlilibre sa ‘yo ng hapunan.

Isang Miyerkules yun ng gabi, Valentines. Yuck talaga! Nasabi ko na ba na hatest ko ang Valentines lalo na kung kaliwa’t kanan ang PDA ng mga magkasintahan, o kahit hindi magkasintahan, at nagnanaknak sa kapulahan at ka-rosasan ng paligid?

“Igi-greet sana kita ng happy valentines, kaya lang sabi ni Kate na allergic ka daw dito.” Nakangiti ang mata ni Tristan, inabot nya sa akin ang isang papel na rosas. Obviously, nasabi rin sa kanya ng roommate ko na may allergies ako sa bulaklak.

“Biodegradable,” nasabi kong tatangu-tangu.

“Recycled yan, actually. Naglilinis kanina ng bahay ang sister ko at itatapon na sana niya… pero naalala kita.”

“I see. Dapat ba akong ma-flatter?”

“Isipin mo na lang na nakakatulong ka sa environment.”

Corny ang linya nya ha, may pagka-nerd nga kung iisipin. Pero hindi ko napigilan ang mapatawa. Ewan kung bakit.

***

Ano nga ba ang ginagawa sa isang “date”?

Sa totoong lang, wala akong malay dito. Hindi ako nagpunta sa high school JS Prom namin at noong graduation ball naman ay ang mga bestfriend ko na si Kate at Maya ang kasama ko; wala kaming kapareha. Hindi ako pangit at presentable naman ang personality ko (nagbuhat daw ba ng bangko!), pero kung tatanungin niyo ako kung sa edad ko na 23 ay nakailang date na ako …

Hmmm, siguro ½? Mayroon kasi yung isang  beses na inaya akong mag-ice cream ng kapitbahay namin na si Howie (2nd year high school kami) sa bagong bukas na Dairy Queen. Magpapatulong daw siya ng assignment sa English. Pag-uwi namin, inaabot nya ang kamay ko (baka pakikipag-holding hands ang pakay); ang akala ko ay yung apa ng ice cream ang gusto nya. Naghulas sa kamay ni Howie ang double scoop na chocolate marble at hindi na niya ako ulit inayang mag-ice cream pagkatapos noon.

“Meron ka bang gustong puntahan?” tanong ngayon ng ka-date ko.

“Wala naman. Saan mo ba balak pumunta?” Pa-pilosopo kong sagot.

Naglalakad kami, baku-bako ang daan sa parteng iyon ng Malate (road repair na  iniwan na naman na nakatiwangwang ng DPWH) at malamig pa rin ang gabi, kahit kung tutuusin isang buwan na lang ay summer na.

“Magandang pumunta sa lugar na hindi mo pa napupuntahan,” sabi niya.

“Okay … so kailangan ko pa ngayon na mag-isip kung saan tayo pupunta? Teka sino ba ang nagyaya sa atin?”

“Bad mood ka na naman?” malumanay na tanong ni Tristan. “Baka lang may gusto kang puntahan. Kung wala, eh di mag-dinner na lang tayo.”

Actually may isang lugar sa Maynila ang hindi ko pa napupuntahan. Ang Star City ay isang lugar na hindi magandang puntahan nang mag-isa.

So ferris wheel, roller coaster, caterpillar, octopus, bump car … corny sya, pambata. Sa kung anong dahilan, mukhang nag-enjoy naman kaming dalawa.

***

Syempre, date yun kaya may portion na “tell me about yourself.”

Nag-iisang lalaki daw si Tristan sa limang magkakapatid. Dati binu-bully siya ng mga ate nya. Sabi ko, buti ka pa may mga kapatid ka kahit bully; mas malungkot ang nag-iisa.  Sabi niya, kung gusto ko magpalit na lang kami ng pwesto, palit na lang kami ng pamilya. Sabi ko, sige ba. At tumawa sya. Cute ang loko pag nakatawa; meron siyang dimple sa kaliwang pisngi.

Noong araw, parte ng dagat itong tinatayuan natin, kuwento nya. Yung dating first lady natin na maraming sapatos, siya ang nagpasimuno para   i-reclaim at i-beautify ang parteng ito ng Maynila.

Mas gusto mo na pag-aari pa rin sya ng dagat ano? naitanong ko, pabiro.

Hindi naman, kaya lang ang gusto noon ni Imelda ay matulad sa mga lugar na katulad ng Miami, Florida ang lugar na ito. Gusto niyang yung mga arkitektura na itatayo ay naka-base sa kanluraning oryentasyon.

So yang CCP hindi ka bilib dyan?

Hindi, sagot nya,

Oo nga e. Ako rin. Ang laki-laki at ang lawak-lawak pero hindi napapasok ng karaniwang Pilipino. Ako nga hindi pa nakakapasok sa CCP.

Talaga?

Oo.

Sige, minsan manood tayo dyan ng play.

Ano yun, second date? Yan ang tanong na gusto kong tanungin pero hindi ko nagawa.

***

couple-holding-hands

First base (or no base?).                                   Image from http://drawingimage.com

 

Usually (pero hindi palagi) ang second date ay sinusundan ng third date at fourth date, etc etc. At syempre, hindi madalas (pero minsan), sa isa sa mga date na iyon ay  pupunta kayo sa first base. Na susundan ng second base. At third base. At (maaaring sa malaon o madali, depende sa personalidad ng nagde-date) home run.

Matagal bago kami nakarating sa first base; siguro nine months. Kasing-tagal ng isang pagbubuntis. Yun yung panahon na parang nasa limbo ang relasyon namin na hindi kami magkaibigan pero hindi rin magkasintahan. Gagamitin ko sana ang term na MU (mutual understanding) pero napaka-old fashioned at corny nun kaya hwag na.

Tulad ko, teacher din siya. Lecturer ako;  associate professor sya. May PhD kasi sya at ako ay Bachelor lang (pero magna cum laude ako ha). Parehong state universities ang pinagtuturuan namin – pero mas jolog yung napasukan kong eskuwelahan na nasa university belt. Maraming extra-curricular activities si Tristan, madalas kinakailangan niyang pumunta sa mga liblib na lugar sa Pilipinas.

Naitanong ko sa kanya minsan, “Geo major ka. Mas maraming pera kung sa mining industry ka magta-trabaho. Pero mas pinili mong magturo.”

“Gems,” yan ang tawag niya sa akin. Siya lang ang tumatawag sa akin nyan, ewan kung bakit. “Nasubukan ko na ang mining industry. Nung kakatapos ko pa lang ng MS ko. Yun ang first job ko. Hindi ko siya nagustuhan.”

Malalang eksploytasyon daw sa kapaligiran at korapsyon ang norm ng mining industry sa Pilipinas sa kasalukuyan. “Hindi nababalita dito Gems pero alam mo ba na may mga lugar sa Pilipinas na nagpapatayan dahil lang sa ginto?   Yung dating trabaho ko, sa isang multi-national company. I-expect mo sana, may mataas silang standard diba. Pero pera pa rin ang bottomline; pera na ang kapalit ay buhay.”

Napapanganga ako sa kanya pag ganito na magsalita si Tristan. Never kasi akong naging advocate ng social issues. Para sa akin, we all do what we do to get by. Kung magkakaroon ng mas magandang oportunidad, kukunin ko (hwag lang illegal). Pero si Tristan. Sya yung klase ng taong iniiwasan ko noong college: yung tipong sumisigaw ng slogan at nagsusunog ng effigy.

“Hindi naman ako ganon,” natatawa nyang denial nang banggitin ko yun sa kanya. “Ang sa akin lang, may mga bagay tayong pinaniniwalaan at mga prinsipyong pinaninindigan. Masarap magkaroon ng maraming pera; pero mas masarap matulog nang mahimbing sa gabi.”

Okay, may kasunod pa ang statement nyang yan. Pero private na sya, kaya hindi ko na babanggitin. Eto na lang: nang sabihin niya yan, nasa third base kami, going to home run.

***

Limang taon din naman kaming magkasama bago ako pumunta ng Amerika. Masasayang mga taon; frustrating din minsan, dahil si Tristan yung klase ng lalake na hindi tinatablan ng mga tampo-tampo o sabihin na nating emotional blackmail.  Frustrating din siya dahil wala sa kanya ang konsepto ng “self preservation”—ang mga gustong niyang gawin ay ginagawa nang ayon sa paninindigan, pahapyaw na konsiderasyon lamang sa pansariling kaligtasan.

Minsan, sa isa niyang “project” sa katimugan ng Pilipinas, napag-tripan siyang i-harrass ng isang pulitiko dahil sa napaka-outspoken niya na pagki-criticize tungkol sa pakikipagsabwatan nito at ng isang undersecretary ng DENR para mabigyan ng permit na  minahin ng mga negosyanteng dayuhan ang itim na buhangin sa lalawigan. (Blind item: yung undersecretary ay significant other ng isa sa pinakamataas na lider sa Pilipinas.)

Ang hirap kay Tris, ang bongga talaga ng mga pinipiling banggain. Seventy percent of the time, kinakabahan ako (pati na nanay nya at mga kapatid) para sa kanya. Pero magbibiro lang yan kapag pinagsabihan mo.

Katulad  ng dialogue naming ito:

Gemma: Alam mo honey  (Ang linyang ito ay dineliver ko mga 4 years sa aming relasyon, sa panahong hindi na ako nabibilaukan sa pagsasalita ng mga terms of endearment.), sa palagay ko dapat mag-mellow ka sa pagki-criticize kay (insert name of powerful politician here).

Tristan: Bakit?

Gemma: Kasi, diba may pina-salvage yan na isang journalist na nag-feature ng tungkol sa pandadaya niya nung eleksyon. Iniisip ko lang na sana iniisip mo rin yung safety mo.

Tristan: (tatawa-tawa) Honey, safe ako palagi, as you should know …

Isang araw, buwan ng Hunyo, tinambangan ng mga armadong grupo ang  convoy na kinabibilangan ng ilang katrabaho ni Tris sa environmental NGO na nagpapasinaya ng proyekto nila. Patay lahat ng military escort. Dalawa sa limang researchers ang malubhang isinugod sa ospital. Mga rebeldeng grupo daw ang may pakana ng insidente. Hanggang ngayon, halos anim na taon na ang nakakaraan, wala pa ring nahuhuli sa mga salarin.

***

Mahirap yung walang pormal na break-up … sabi nga ni Toni Gonzaga sa pelikula nila ni Piolo Pascual: walang closure.

Parang hindi na kayo, pero hindi pa rin maka-move on.

Isang kakatwa na nagpaalam ako sa kanya sa mismong araw na pinili niya na yayain akong magpakasal.

Prestihiyosong  scholarship iyon sa isang prestihiyoso ring unibersidad sa Amerika. Malaking oportunidad, lalo na isang katulad ko na ilang panahon na ring nabuburo sa trabaho ko sa Maynila, walang direksiyon ang career.

Traditional si Tristan nang mag-propose; on bended knee (sabi nga sa isang kanta) at may singsing!

Hindi naman naging tahasan ang pagsasabi ko ng “no.”

Ang eksaktong sinabi ko ay: “Mukhang hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan natin ang kasal.”

***

Ngayon uuwi ako. Matapos ang apat na taon.

Nang umalis ako, akala ko ay doon na rin natapos sa amin ang lahat. Pero hindi nagtatapos sa paalam ang kuwento naming dalawa.

Mga apat o limang beses kaming nagkita sa US habang nag-aaral ako.  Sabi ko sa kanya: hindi ka ba nanghihinayang sa pamasahe? Ang sabi sya sa akin: Ano ang gusto mo? Kalimutan kita?

Facebook, email, YM, Skype, paminsan-minsang snail mail. Nakakamangha ang mga modernong paraan ng pagniniig. Minsan nag-FB sa akin ang kapatid ni Tristan na si Marie:

Gemma, pagsabihan mo nga si Kuya Tris. Wala namang masama sa environmental advocacies nya. Pero ang dami nyang nababangga. Yung isang mayor diyan, may private army. Tinatawanan lang ako ni Kuya pag pinapaalalahanan namin na mag-ingat. Si Mama nga sabi nya, dapat pinikot mo na lang dati si Kuya. Baka kaya nasosobrahan sa pagpapaka-bayani ay dahil wala ka.

Sa huling pagkikita namin, 4 or 6 months ago, masaya siya para sa akin. Kasi natapos ko na rin ang dissertation ko at ga-graduate na ako. Sabi niya, marami daw akong magagawa sa skill-set na natutunan ko sa pagbabalik ko sa Pilipinas.

“Tristan, may possible job offer sa akin dito. May H1B visa na provided.”

“So hindi ka uuwi?”

“Ano ang uuwian ko?”

“Tangina Gemma, anong klaseng tanong yan?”

Yun ang huli naming pagkikita.

***

Si Marie ang nag-message sa akin Facebook  na nawawala si Tristan. Isang araw ay kumakain daw ito sa isang restaurant sa Puerto Princesa kasama ang isang kaibigan nang may dumukot sa kanya na di-nakikilalang mga lalaki.

 

Perspective

What is life if not a process to get from one moment of time to the next.

If in that process, one finds happiness, joy, satisfaction, fulfillment — well and good. If the path contains despair, uncertainty, fear, pain — well that is something one must accept.

Our struggles give meaning to our victories. It has been with great difficulty that I remember that now. I must also remember and accept that struggles are, by definition, painful. They are our frustrations, boredom, impatience, seeming incompetence, defeats that happen over and over again.

Indecision is the devil that hovers on my back. It paralyzes me because I am afraid of being wrong, of looking small, of bothering others. Indecision happens because I lacked preparation; because I have not studied enough; because I was lazy; because I was afraid. One gets tired of being afraid — but fear returns again and again, like grassess and weeds in one’s garden. It probably will never be completely vanquished. But one has to control one’s fears. That is the hardest thing that one must learn.

I must remember that when I was a child I was less fearful. At that time I knew a lot less too. One can not un-know things, one cannot be a child again; nor is it an acceptable position to be in. Fear must be conquered using the things that we know. Being ignorant and brave can be a recipe for disaster.

I am trying to reclaim my life. Retracing my footsteps back to when I was more enthusiastic and less diffident. I want to see her again, that woman who decided to leave despite her misgivings …. because she knew that she will learn more by leaving than by staying behind.

Where is she? Where is she?

I am praying that she is just here somewhere. I am praying for her to have the fortitude, the will and the bravery to see through the challenges that she will face in this path that she has chosen. I am praying like a mother prays for her child … I am praying the way my mother would have prayed for me if she were here … I must remember to pray.

 

 

 

 

Dreaming of Dictatorships

It must be my disposition, but I am vehemently against the notion of authoritarian rule. Which is (maybe) somewhat hypocritical of me, because I am now living, working in  and enjoying the comforts of a country with such a form of government (what can be more authoritarian than an absolute monarchy?).

democracy

Recently, my country has decided to elect as president a man who espouses his preference for a more “dictatorial” style of management. It has perplexed the “intellectual” segments of my country, we in our so-called ivory towers, who are removed from the daily toils and travails of the hoi polloi.

But hey, once upon a time (a little less than 6 months ago, in fact), I was part of the hoi polloi.  I was suffering the daily hell of MRT/LRT, the woes of Metro Manila traffic, the fragmented public health care system, the epal faces of politicians as pictured in those ubiquitous tarpaulins … Just six months ago, I was bemoaning all that was wrong with Pnoy’s government.

And then I left.

(And I found that I can’t vote in this country I have fled to because I was late for the registration — but that’s  another story.)

Deep in my guts, I knew it was only a matter of time that someone like Rodrigo Duterte would win as president of the Philippines. We are a country who elected Erap, after  all — and in a landslide win, at that.

We are a country who believes the social media machine of the Marcoses that is popularizing the revisionist idea that Martial Law was God’s gift to the Philippines. (ha ha, it was a gift that left me with a debt to be paid to foreign lending agencies until 2025!)

We are a country whose children do not know who Apolinario Mabini is, let alone that he was paralyzed.

We are a country whose people leave. That includes me, of course.

Once upon a time, in 1982 —   Marcos was still in power and Ninoy was still alive; when the peso was plummeting and the economy was in shambles; when thousands of would-be youth leaders have either been “salvaged”, tortured or disappeared,   a certain US Secretary of State was rumored to have said this: “The Philippines is a nation of 40 million cowards and one son-of-a-bitch.”

Well, George Schultz, it is now 2016, and the Philippines is a nation of 100 million people. I do not know if Mr. Duterte will prove to be a son-of-a-bitch (whatever that term may mean), but a lot of us are still cowards (or lazy … or deluded … or all of the above).

download

 

 

 

Privileges **

** (noun) a special right, advantage, or immunity granted or available only to a particular person or group of people — as defined by Google

a book without women is often said to be about humanity but a book with women in the foreground is a woman’s book. — Rebecca Solnit

images

 

In an ideal world, we would all have the same privileges irrespective of race, gender or social class.

But it is not an ideal world. Privileges (even by definition) are conferred based on what you are, not what you have done or what you can do.

Men have certain privileges by virtue of the fact that they have a Y-chromosome and a penis; while women do not.

Recently, I can’t help but wonder if these privileges are conferred only on certain types of men while excluding others. Maybe privileges are conferred not on the basis of anatomy but about society’s perception about your person-hood (specifically, male-hood or female-hood).

I have come across the blog of a man who is a self-described introvert, pessimist, mediocre, 30-year-old virgin. Dateless and bothered about it, he took it upon himself to start a blog chronicling his (mis)adventures — I find his voice articulate, engaging, somewhat depressing, but a great read anyway.

He reminds me of G, actually. I wonder if G would have ended up sounding like him if G had not met me — the love of his life (or so I think) 🙂

 

Whoever Declared March as Women’s Month, I Wonder

“You asked me to explain myself. I just wonder what needs to be explained. Let me be very clear. Look into your own heart. I swear to you, mine’s no different. You want a place in the trades and professions where you can earn your bread? So do I. You want some means of self expression? Some way of satisfying your own personal ambitions? So do I. You want a voice in the government in which you live? So do I. What is there to explain?”

(Quoted from the movie, Iron Jawed Angels; spoken by Hilary Swank who played the role of militant suffragette, Alice Paul.)

A scene from the 2004 movie starring Hilary Swank. Image from proyouththpages.com

A scene from the 2004 movie starring Hilary Swank. Image from proyouththpages.com

***

The thing is … Alice Paul, many would disagree with you; and debate that there is much difference between the hearts and souls of men and women. For example, the fact that Ms. Universe 1994 Ms. Sushmita Sen was asked the inane question: “What is the essence of being a woman?” illustrates this fact. Nobody would dare to ask a man: “What is the essence of being a man?”  with the express intention of expecting the guy to answer that his main purpose in life is to produce and take care of the next generation of human beings.

Alice Paul, 1885-1977, a militant feminist in the tradition of Andrea Dworkin. She got imprisoned numerous times and worked her ass off so that women in her country could get the vote. I think she was kinda pretty, almost as pretty as Justin Trudeau. The difference between Justin and Alice is that Justin has Sophie; while Alice's lovelife was so private we do not even know about it.

Alice Paul, 1885-1977, a militant feminist in the tradition of Andrea Dworkin. She got imprisoned numerous times and worked her ass off so that women in her country could get the vote. I think she was kinda pretty, almost as pretty as Justin Trudeau. The difference between Justin and Alice is that Justin has Sophie; while Alice’s lovelife was so private we do not even know about it. Image from biography.com.

I suddenly remember you, Alice, because last March 8 was Women’s Day and I think just this week, we were celebrating Mother’s Day.

I do not want to malign motherhood, Alice — an institution without which, I wouldn’t exist. But the thing is, people have ennobled being a mother to such an extent that not being one or not wanting to be one raises the spectre of “aberration” towards someone.

I am sure a lot of our sisters are ambivalent about motherhood — even those who are mothers themselves. Of course they would never dare to tell their children (or even other people) of this ambivalence; that would be like taboo or sacrilege.

I wonder if there will ever be a time when fatherhood is also elevated in the same pantheon of “nobility” as motherhood. When a guy can be asked: “What is the essence of being a man?” and for us to expect him to answer that being a man is all about being a father.

That is when I will truly believe that the struggle of feminism has succeeded.

***

Justin and Barry -- my favorite feminists. It doesn't hurt that they also look good enough to eat. Image from news.yahoo.com

Justin and Barry — my favorite feminists. It doesn’t hurt that they also look good enough to eat. Image from news.yahoo.com

And because it is Women’s Month, I would like to have the privilege to objectify men.

Hence …

What can girls love more than guys who just scream “eye candy” — like Justin and Barry over here. Some have speculated on the budding bromance between these two world leaders 😉

***

Reading Lists:

https://www.washingtonpost.com/news/the-fix/wp/2016/03/10/the-budding-bromance-between-president-obama-and-canadas-justin-trudeau-in-11-great-pictures/?tid=sm_fb

http://www.kevinmd.com/blog/2016/03/heartbreak-dating-exhausted-medical-resident.html

http://www.vox.com/2014/12/15/7371737/rape-culture-definition

http://www.vox.com/2015/10/13/9523879/playboy-nudity-no

http://www.vox.com/2016/2/4/10877038/hitchhiking-woman-dangerous

Female Genital Mutilation More Widespread Than Previously Thought, UNICEF Says

 

How To Fake an Orgasm (or Orgasms, plural)

(Ana’s POV)

Image from strongafrocentricmindsets.blogspot.com

Image from strongafrocentricmindsets.blogspot.com

Meg Ryan gave you a general idea. And her performance should have earned her an Oscar if the Academy were all females.

Faking an orgasm is just like any other worthy endeavor. One has to perform it with sincerity to pull it off.

First, one has to know what an orgasm feels like to be able to fake one.

And yes, I have had it, thank you very much. A lot of girls haven’t though. Or they may be unsure, confused if they have had it or not. Believe me, girls, you will know. No ifs or buts about it.

Orgasms are like that perfect pair of strappy high-heeled shoes, they defy explanation. They fit your feet like a dream; they make you feel sexy and they don’t give you calluses afterwards. I haven’t found the perfect high heels yet. But I am optimistic that I will find one. Eventually.

Image from thefishybowl.wordpress.com

Image from thefishybowl.wordpress.com

So orgasms. Second of all, it’s not really about the penis-in-vagina. (Sorry lesbian friends; I can only talk  about the heterosexual perspective.) A girl can have an orgasm while washing dishes (although it is not advisable because one can drop a perfect piece of china and that would be a lousy day); or while watching Chris Pratt save the universe in a movie. One can have an orgasm in the shower (make sure you are using a bath mat so you won’t slip) or even in the library (the Reserve Section is a nice place because there are few people around; just make sure to tone down your vocalistic emissions). Still, the best place to have an orgasm is one’s bed preferably with someone you are madly in lust with. Please take note that one does not have to be in love to have the big O. Though, sex with a loved one belongs (in my opinion) in a different category of orgasms; or even a different category of sex.

I haven’t faked one with Christian (not that I know of). That would just entail too much work; requiring energy that I do not have inclination to expend. Besides, he knows me like the back of his hand so faking it with him will be like deceiving myself.

Image from mirror.co.uk

Image from mirror.co.uk

It is best to fake orgasms with a stranger or a new lover. However, a warning: faking it in the beginning of a relationship may doom that relationship even before it has started. If you can’t be honest with a man you are having sex with, what is the point of staying with him in the long term? Oh yeah, there is also money, power, security (emotional or otherwise) or self-deception. I get that girls — we gotta do what we gotta do. But then, don’t expect orgasms.

On a positive note, we don’t need orgasms  to live a meaningful life.

But it sure will be a life that is lot less fun 🙂

The OFW Life

Dear Auntie J,

Yes now I understand.

Now I get it, the things you had to go through, which my mother (your sister) thought so little of:

Image from plantingrice.com

Image from plantingrice.com… the confusion, the feeling of being lost in a sea of strangers …

… the confusion, the feeling of being lost in a sea of strangers …

Image: screengrab from youtube.com

… the language barriers, a wall so vast and deep because it is not only about words but more about history, culture and  things left unsaid …

al hajar mountains

… adjusting to a different climate whether too hot or too cold, looking  for your Goldilocks-zone and never quite finding it …

Image from gmanetwork.com

Image from gmanetwork.com

… having plenty of material stuff but not having enough, because “enough” meant having someone you love share all that plenty-ness with; unfortunately the ones you love are oceans of miles away …

… worrying and wondering about a distant land you left behind and dealing with the constant question “Did I  do the right thing?”  Leaving was a matter of survival, but still you have your doubts …

…. the feeling that your life is on hold. Because you are neither here nor there. You are not a tourist, but you are not a “resident” either.

Image from pinoyrepublic.info

Image from pinoyrepublic.info

I get it now. I get the allure of wanting to acquire citizenship in a foreign country to get a sense of belonging. Because eventually you feel that your own will not welcome you with open arms. Or the open arms are a sham, was only extended to demand something from you.

I get it now. Why you felt I was wasting my life back home. You see: I still think of it as home. I wonder, after all these years, how you think of it.

Image from minibalita.com

Image from minibalita.com

I get it now. The balikbayan boxes, the infrequent calls,  the seemingly superficial mails (because it really is hard to put into words this feeling of displacement, of  having betrayed something or having been let down, of not knowing who to talk to or how to talk about the deepest fears of your heart, of crying and feeling stupid because, hey, you have all this money, so why the tears?)

I get it now. And I am wondering whether to feel happy for us. Or sorry.

It is masochism, I know … but loving something frequently is.

And I know I love the land of my birth. Leaving was a pain. The pain was (is) palpable, and mostly felt in the wee silences of the morning or before sleeping when the routines of work are over.

Image from thefilipino.com

Image from thefilipino.com

It effing hurts to have left.

But I know … it would have hurt so much more to have stayed.